Mala-Masusing Banghay Aralin — Kindergarten
I. Layunin
Pagtapos ng pagtatalakay ng aralin, ang magaaral ay nararapat na:
• Nalalaman ang mga pangunahing emosyon at naipapahayag sa iba’t ibang paraan at sitwasyon
• Naiintindihan at naipapakita kung kalian masaya, malungkot, nagagalit at natatakot
II. Paksang Aralin — Socio-Emosyunal
Paksa — Ako ay may Emosyon
Sanggunian
Kindergarten Module 4 DepEd Makati
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2018/06/mga-damdamin-2018-with-labels-secured-1.pdf
https://samutsamot.com/2016/08/31/mga-damdamin-at-pakiramdam-worksheets/
Materyales — Papel o kwaderno, worksheet, krayola, lapis, laptop, tv o projector, speaker
III. Pamamaraan
Paghahandang Gawain
• Panalangin
• Pag-awit ng “Lupang Hinirang”
• Pag-kanta ng “Pito-pito”
• Attendance
• Pagbabalik aral
Pagganyak
Awitin at gawin!
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka
Kung ikaw ay masaya, ipahayag ang nadarama
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka
Kung ikaw ay malungkot, umiyak ka
Kung ikaw ay nagagalit, pumadyak ka
Kung ikaw ay natatakot, magtago ka
Paglalahad
Ang ating pagaaralan sa araw na ito, ay ang mga pangunahing emosyon.
Pagtatalakay
Alam niyo ba na bilang bata, kayo may iba’t ibang pakiramdam?
Maaari kayong maging masaya, malungkot, galit o takot.
Ikaw ay masaya kapag araw ng iyong kaarawan, kapag kumakain ng iyong paboritong pagkain, kapag nasa pasyalan o kaya naman ay kapag naglalaro ng iyong mga laruan.
Ikaw naman ay nalulungkot sa tuwing nasasaktan, napapagalitan ng iyong magulang o kapag nasira ang iyong laruan.
Nararamdaman mo naman ang galit kapag ikaw ay naiinis o kaya naman kapag ikaw ay inaaway.
At nakakaramdam ka ng takot sa tuwing iinjeksyunan ng doctor, kapag hinahabol ng aso, kapag madilim ang paligid o kaya naman ay kung sakaling ikaw ay mawala.
Maraming paraan kung papaano natin maillabas ang ating emosyon. Pwede tayong makipagusap sa ating ate at kuya, nanay o tatay, pwede natin iguhit o ipinta ang ating nararamdaman, o kaya naman ay sumayaw o kumanta.
Paglalahat
Ang mga pangunahing emosyon bilang bata ay masaya, malungkot, galit at takot. Sa bawat sitwasyon ay maaari tayong makaramdam ng iba’t ibang damdamin at maari din natin mailabas ang ating damdamin sa iba’t ibang paraan.
Paglalapat
Bilugan ang salita na naglalarawan sa nararamdaman ng bata.
IV. Pagtataya
Piliin ang nararapat na emosyon na mararamdaman sa pinapakitang sitwasyon ng larawan. Bilugan mo ang iyong sagot.
V. Takdang Aralin