Mala-Masusing Banghay Aralin — Kindergarten
I. Layunin
Makakamit ng bawat magaaral ang kasanayan pagkatapos ng talakayan:
• Nalalaman ang bahagi ng katawan na ginagamit upang maka-amoy, maka-salat at makalasa.
• Natutukoy ang mga bagay na may amoy, lasa at pagkakayari
II. Paksang Aralin — Kalusugang Pisikal
Paksa — Pang-amoy, Pansalat at Panlasa
Sanggunian
Kindergarten Module 7 DepEd Makati
https://samutsamot.com/2015/06/17/ang-limang-pandama/
https://kzclip.com/video/mGAA13x_aw4/week-7-quarter-1-5-uri-ng-pandama-kindergarten-melc.html
https://www.youtube.com/watch?v=JOML3SBjTxo&t=6s
Materyales — papel o kwaderno, worksheet, lapis, krayola, projector, laptop
III. Pamamaraan
Paghahandang Gawain
• Panalangin
• Pag-awit ng “Lupang Hinirang”
• Pag-kanta ng “Pito-pito”
• Attendance
• Pagbabalik-aral
Pagganyak
Anong bahagi ng katawan ang kailangan mo sa mga sumusunog na bagay?
Paglalahad
Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang gamit ng ating mga ilong, dila at kamay.
Pagtatalakay
Ginagamit ang ating ilong para maka-amoy.
Naamoy ng ating ilong ang mga bagay sa paligid. Mayroong kaaya-aya ang amoy o tinatawag na mabango at meron naming hindi kaaya-aya ang amoy o tinatawag na mabaho.
Ginagamit naman ang ating dila upang makalasa.
Nalalasahan ng ating dila ang iba’t ibang pagkain na ating kinakain. Maaari itong maging matamis, maalat, maasim o mapait.
Ang kamay naman ang ating ginagamit sa pangsalat o pandama.
Nadadama natin ang mga bagay sa paligid. May mga bagay na malambot, matigas, makinis o magaspang. Maari din na maging mainit o malamig.
Paglalahat
Tandaan na ang ating ilong ay ginagamit upang tayo ay maka-amoy, dila upang maka-lasa at mga kamay pangsalat o pandama.
Paglalapat
IV. Pagtataya
V. Takdang Aralin
Panuto: Iguhit ang nawawalang bahagi ng katawan at kulayan ang larawan.