Anne Beatrice Ricamata
3 min readJan 10, 2021

Mala-Masusing Banghay Aralin — Kindergarten

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, nararapat na makamit na kasanayan ng magaaral ang sumusunod:

• Nalalaman ang mga pangunahing pangangailangan

• Nasasabi ang mga nakakamit na pangangailangan sa araw araw

II. Paksang Aralin — Kalusugang Pisikal

Paksa — Mga Pangunahing Pangangailangan

Sanggunian

Kindergarten Module 8 DepEd Makati

https://www.youtube.com/watch?v=0CIaf9r_ri0

Materyales — papel o kwaderno, worksheet, lapis, krayola, projector, laptop

III. Pamamaraan

Paghahandang Gawain

• Panalangin

• Pag-awit ng “Lupang Hinirang”

• Pag-kanta ng “Pito-pito”

• Attendance

• Pagbabalik-aral

Pagganyak

Ituro ang mga bagay na araw-araw ninyong ginagamit.

Paglalahad

Ang tatalakayin natin ngayon ay mga pangunahing pangangailan ng isang tao. Ito ang mga ginagamit sa araw-araw.

Pagtatalakay

Mga Pangunahing Pangangailangan

1. Pagkain

- Kailangan ng pagkain para mabuhay

- Ito ang nagbibigay ng lakas at sigla

- Mahalagang kumain ng masusustansyang pagkain upang makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit

2. Kasuotan

- Nagbibigay ito ng proteksyon sa ating katawan laban sa init at lamig

- May iba’t ibang uri ng kasuotan. Ito ay naaayon sa panahon at okasyon

3. Tirahan

- Ito ang nagbibigay ng prteksyon laban sa matinding init ng sikat ng araw

- Ito ang masisilungan sa oras ng tag-ulan upang hindi magkasakit

Paglalahat

Tandaan na ang mga pangunahing pangangailangan ay pagkain, kasuotan at tirahan. Nararapat na kumain ng mausustansyang mga pagkain tulad ng prutas at gulay upang makaiwas sa mga sakit. May mga kasuotan na naaayon sa panahon at ang tirahan ang magsisilbing silong natin sa mainit at malamig na panahon.

Paglalapat

IV. Pagtataya

V. Takdang Aralin

Panuto: Iguhit sa kahon ang iyong paboritong pagkain, kasuotan at ang iyong tirahan. Kulayan ito.

Anne Beatrice Ricamata
Anne Beatrice Ricamata

Written by Anne Beatrice Ricamata

A mom, student, future educator and part-time entrepreneur

No responses yet