Mala-Masusing Banghay Aralin — Kindergarten
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang magaaral ay nararapat na:
• Nauunawaan ang gamit ng mata at tainga
• Natutukoy at nakakaguhit ng mga bagay ng nakikita at may tunog na naririnig
II. Paksang Aralin — Kalusugang Pisikal
Paksa — Ako ay may Paningin at Pandinig
Sanggunian
Kindergarten Module 6 DepEd Makati
https://www.youtube.com/watch?v=JOML3SBjTxo
Materyales — papel o kwaderno, worksheet, lapis, krayola, tv o projector, laptop
III. Pamamaraan
Paghahandang Gawain
• Panalangin
• Pag-awit ng “Lupang Hinirang”
• Pag-kanta ng “Pito-pito”
• Attendance
• Pagbabalik aral
Pagganyak
Basahin ang tula sa mga bata
Pag gising sa umaga, ating mga mata ay iminumulat
Ikinukurap at idinidilat
At makikita ang paligid na nakakaakit.
Lalo pang madarama ang ligaya sa buhay
Kapag naririnig na ang mga tunog at ingay
Dagdagan pa nang mga awit at tawanan
O talagang kay saying tunay!
Paglalahad
Sa araw na ito ay ating pagaaralan ang tungkol sa paningin at pandinig na dalawa sa limang uri ng pandama.
Pagtatalakay
Ang iyong dalawang mata ay ginagamit upang ikaw ay makakita.
Nakikita ang iba’t ibang mga kulay at mga hugis gamit ang mga mata.
Nakakakita tayo ng iba’t ibang bagay sa ating paligid.
Ginagamit din ang ating mga mata para makita natin ang ating binabasa, sinusulat at ginuguhit.
Ang iyong dalawang tainga naman ang ginagamit upang ikaw ay makarinig.
Ginagamit ang tainga sa pakikinig ng musika.
Naririnig natin ang mga tunog ng hayop, sasakyan at mga bagay gamit ang ating tainga.
Naririnig ang sinasabi ng kausap gamit ang mga tainga.
May dalawang katangian ang mga tunog. Maari itong maging malakas o mahina.
Paglalahat
Ginagamit natin ang ating mga mata upang makakita, at ang tainga upang makarinig. Ang paningin at pandinig ay dalawa pa lamang sa limang uri ng pandama.
Paglalapat
IV. Pagtataya
V. Takdang Aralin