Mala-Masusing Banghay Aralin — Kindergarten
I. Layunin
Matapos ang aralin na ito, inaasahan ang bawat magaaral ng sumusunod:
· Natutukoy kung sino-sino ang bumubuo ng pamilya
· Natutukoy ang gampanin ng bawat kasapi ng pamilya
II. Paksang Aralin — Sosyo-Emosyunal
Paksa — Ang Aking Pamilya
Sanggunian
Kindergarten Homeroom Guidance Module 2 DepEd Makati
https://www.youtube.com/watch?v=0eZWXfNxBaI
Materyales — papel o kwaderno, worksheet, lapis, krayola, laptop, projector o tv, speaker, modelling clay and youtube video
III. Pamamaraan
Paghahandang Gawain
· Panalangin
· Pag-awit ng “Lupang Hinirang”
· Pag-kanta ng “Pito-pito”
· Attendance
· Pagbabalik-aral
Pagganyak
Basahin ang tula sa mag-aaral
Ang Aking Pamilya ni Krizhia Dela Cruz
Ang aking pamilya
Mahal naming ang isa’t isa
Nandiyan si nanay at tatay
Laging gumagabay
Pati na rin si ate, bunso at kuya
Walang sawang nagpapasaya
Sa hirap at ginhawa
Kami ay sama-sama
Paglalahad
Ngayong araw ay pagaaralan natin ang mga taong bumubuo sa pamilya at ang mga gampanin ng bawat isa.
Pagtatalakay
Tatay ang haligi ng tahanan. Tinutugunan niya ang kaligtasan at pangunahing pangangailangan ng pamilya.
Nanay ang ilaw ng tahanan. Katuwang niya ang tatay sa pangangalaga at pagtugon sa pangangailangan ng pamilya.
Kuya ang nakakatandang kapatid na lalake. Tinutulungan niya ang tatay at nanay sa mga gawaing bahay.
Ate ang nakakatandang kapatid na babae. Tinutulungan niya rin ang nanay at tatay sa gawaing bahay.
Bunso ang pinakabatang miyembro ng pamilya. Siya ang nagbibigay saya sa pamilya.
Paglalahat
Ang pamilya ay binubo ng tatay, nanay, kuya, ate at bunso.
Paglalapat
Gamit ang clay, bumuo ng hugis na katulad ng iyong mga kapamilya. Huwag kalimutan na maghugas ng kamay bago at pagtapos gumawa. Ipakita sa klase ang iyong nagawa at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Nakikilala mo ba sa ginawa mong hugis ang miyembro ng iyong pamilya?
2. Sino ang lagging tumutulong sa iyo sa bahay?
3. Ano naman ang mga pwede mong gawin para makatulong sa pamilya?
IV. Pagtataya
V. Takdang Aralin