Anne Beatrice Ricamata
3 min readJan 8, 2021

Mala-Masusing Banghay Aralin — Kindergarten

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay nararapat na:

• Natutukoy ang iba’t ibang kulay

• Nakakaguhit at nakakakulay ng mga bagay na may iba-ibang kulay

II. Paksang Aralin — Sining

Paksa — Iba’t ibang Mga Kulay

Sanggunian — https://pb3es.weebly.com/kindergarten.html

https://youtu.be/uG5CsLtlem4

Materyales — Papel o kwaderno, photo cards, worksheet, krayola, lapis, laptop, tv o projector

III. Pamamaraan

Paghahandang Gawain

• Panalangin

• Pag-awit ng “Lupang Hinirang”

• Pag-kanta ng “Pito-pito”

• Attendance

• Pagbabalik aral

Pagganyak

Panoorin ang video mula sa YouTube hanggang 1:26 at sumabay sa pagkanta.

Kulay at Bagay Awiting Pambata | Learn Colors & Objects Song Tagalog Rhymes

https://youtu.be/uG5CsLtlem4

Paglalahad

Ang pagaaralan ngayong araw ay ang mga iba-ibang kulay na makikita sa inyong mga paligid.

Pagtatalakay

Ang unang kulay na ating pagaaralan ay dilaw, sa Ingles, yellow. Narito ang mga bagay na kulay dilaw.

Ang susunod na pangunahing kulay ay asul, o sa Ingles ay blue. Narito ang mga bagay na kulay asul.

Ang panghuling kulay sa mga pangunahing kulay ay kulay pula, red sa Ingles. Narito naman ang halimbawa ng mga bagay na kulay pula.

Ang susunod ay ang kulay berde. Ang tawag sa Ingles ay green. Narito ang mga bagay na kulay berde.

Sumunod ay kulay kahel, o sa Ingles ay tinatawag na orange. Eto ang mga bagay na kulay kahel.

Ang susunod na kulay ay lila, violet ang tawag sa kulay na ito sa wikang Ingles. Narito ang mga halimbawa.

Kasunod ay kulay rosas, o pink sa wikang Ingles. Ito ang mga halimbawa ng mga bagay na kulay rosas

Kulay puti naman ang kasunod, sa Ingles ito ay tinatawag na kulay white. Narito ang mga halimbawa.

Kulay itim, o sa Ingles ay kulay black. Mga halimbawa ng mga bagay na kulay itim ay..

Panghuli ay kulay tsokolate, sa Ingles naman ay tinatawag itong kulay brown. Narito ang mga halimbawa

Paglalahat

May iba’t ibang mga kulay na maari nating makita sa ating kapaligiran. Ang mga kulay na ito ay dilaw, asul, pula, berde, kahel, lila, rosas, puti, itim at tsokolate.

Paglalapat

Anyayahang tumayo ang mga mag-aaral. Paunahang magbigay ang mga mag-aaral ng bagay na makikita sa loob ng silid aralan. na kakulay ng babanggitin na kulay ng guro.

IV. Pagtataya

Panuto: Kulayan ang larawan ayon sa kulay na nakasulat sa kaliwang bahagi.

V. Takdang Aralin

Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang halimabawang bagay ng iyong paboritong kulay.

Anne Beatrice Ricamata
Anne Beatrice Ricamata

Written by Anne Beatrice Ricamata

A mom, student, future educator and part-time entrepreneur

No responses yet