Mala-Masusing Banghay Aralin sa Aralin Panlipunan 2
I. Layunin
Pagtapos ng pagtatalakay ng aralin, ang magaaral ay nararapat na:
• Nasasabi ang payak na kahulugan ng komunidad
• Naisasabuhay ang kahalagahan ng komunidad sa pamamagitan ng maliit na partisipasyon sa sariling komunidad
• Naiguguhit ang kinabibilangan nilang komunidad.
II. Paksang Aralin — Sibika at Kultura
Paksa — Pagkilala sa Komunidad
Sanggunian
Kagamitan ng Magaaral, mga pahina 3–26, Gloria M. Cruz (may akda)
Materyales — papel o kwaderno, worksheet, lapis, mga larawan, Power Point presentasyon at projector
III. Pamamaraan
Paghahandang Gawain
• Panalangin
• Pag-awit ng “Lupang Hinirang”
• Pag-kanta ng “Pito-pito”
• Attendance
• Pagbabalik aral
Pagganyak
Ipapakita ang larawan.
Tanungin ang mag sumusunod:
• Ano ang mga bagay o lugar na nakikita niyo sa larawan na mayroon ang inyong komunidad?
• Ano ang mga gamit nito?
Paglalahad
Ngayong araw ay tatalakayin natin ang pagkilala sa komunidad at sa kung saan maaaring matagpuan ang isang komunidad.
Pagtatalakay
Ang Komunidad ay binubuo ng paaralan, pamilihan, sambahan, pook libangan, sentrong pangkalusugan at mga panahanan.
Samantala, mayroon din mga komunidad na hindi matatagpuan ang lahat ng mga ito.
Ang mga komunidad ay maaring makita sa mga kapatagan, kabundukan, tabing-dagat/lawa, talampas, indutriyal o lungsod.
Ang komunidad na ating kinabibilangan ay matatagpuan sa lungsod.
Mahalaga ang Komunidad na inyong kinabibilangan, sa mga kadahilanang:
1. Dito kayo naninirahan kasama ang pamilya.
2. Nahuhubog ang pagkakaisa, pagtutulungan at kapayaan sa bawat kasapi patungo sa pagsulong at pagunlad.
3. Nahuhubog ang ating pagkatao.
4. Nakapamumuhay ng masagana sa tulong ng mga hanapbuhay na mayroon sa paligid ng komunidad.
Paglalahat
Ang komunidad ay binubuo ng paaralan, pamilihan, sambahan, pook libangan, sentrong pangkalusugan at mga tahanan. Maaring may komunidad sa mga kapatagan, kabundukan, tabing-dagat/lawa, talampas, industriyal o lungsod.
Paglalapat
Kulayan ang mga pook o lugar na nakikita niyong mayroon ang iyong komunidad na kinabibilangan.
IV. Pagtataya
A. Panuto: Punan ang mga nawawalang salita sa pangungusap. Hanapin ang sagot sa kahon.
V. Takdang Aralin
Iguhit sa isang papel ang komunidad na iyong kinabibilangan, iguhit din ang iyong sarili sa paborito mong lugar sa iyong komunidad. Kulayan ito.